Tiniyak ng Abra Police Provincial Office ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa gitna ng insidente ng illegal discharge of firearm na nangyari sa Tineg, Abra nito lamang Oktubre 30, 2023.
Ang nasabing insidente ay naganap sa mahigit kumulang 300 metro ang layo mula sa polling center ng Lapat Balantay Primary School, Brgy. Lapat Balantay, Tineg, Abra kung saan agad namang nirespondehan ito ng pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP.
Gayunpaman, ang suspek ay nakatakas dahil na rin sa bulubundukin ang lugar.
Dakong 9:30 ng umaga nito lamang Oktubre 30, 2023 nang magtungo ang mga miyembro ng Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) – Abra sa Lapat-Balantay, Tineg, Abra upang ihatid ang tatlong mga tauhan ng PNP na magsisilbing Special Electoral Board para palitan ang mga gurong tumatangging ituloy ang botohan sa nasabing polling precinct.
Ito ay sa pangunguna ni Atty. Mae Richelle B Belmes, Provincial Election Supervisor II, kasama sina Brigadier General Ferdinand Melchor C Dela Cruz, Commander 501st Brigade, Police Colonel Froiland B Lopez, Acting Provincnial Director, Abra PPO at Colonel Rhenante Salvador, Deputy BC 501st Brigade PA.
Samantala, dakong 1:00 PM naman ng parehong petsa nang ipinagpatuloy ng mga gurong nagsisilbi bilang Electoral Board ang botohan.
Habang patuloy ang Abra PNP, AFP at iba pang law enforcement agency sa pagpapatupad ng kapayapaan, katahimikan tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa naturang lalawigan.