17.4 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Abandonadong Sawn Lumbers narekober sa Tabuk City, Kalinga

Narekober ng mga awtoridad ang mga abandonadong sawn lumbers sa Brgy. Amlao, Tabuk City, Kalinga nito lamang Linggo, Disyembre 11, 2022.

Batay sa report, nagsagawa ng preventive patrol ang mga tauhan ng 1st Kalinga PNP sa naturang barangay nang tumambad ang mga inabandonang sawn lumbers malapit sa kalsada.

Narekober ang 14 na piraso ng paltik ng kahoy sa iba’t ibang dimensyon na may kabuuang sukat na 210.34 board feet na may tinatayang halaga na Php11,586.

Samantala, ang mga nadiskubreng illegally sawn lumber ay itinurn-over sa City Environment and Natural Resources Office-Tabuk.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles