Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang Php10,850.00 halaga ng sawn lumbers sa Mallig Flora, Apayao nito lamang ika-17 ng Disyembre 2024.
Batay sa ulat, nagtulungan ang mga operatiba ng RPSB TEAM-1st Apayao Provincial Mobile Force Company, CENRO-Calanasan, Forest Product Monitoring Station Sta Marcela sa patuloy na pagpapatupad ng PD 705.
Dahil patuloy na pagpapatupad ng PD 705 ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 17 piraso ng sawn lumbers na may iba’t ibang sukat at dimensyon at may kabuuang bolyum na 310 board feet na may tinatayang halagang Php10,850.00.
Samantala, ang mga operatiba ay nagsikap na hanapin ang may-ari sa loob ng lugar, ngunit walang nag-claim.
Dagdag pa, ang mga narekober na kahoy ay inalis at dinala sa CENRO Calanasan, Forest Product Monitoring Station ng Santa Maria, Flora, Apayao para sa tamang disposisyon.
Pinaaalalahanan naman ng Apayao PNP na umiwas sa iligal na pagtotroso dahil maaari makasuhan at mapatawan ng kaukulang parusa ayon sa batas.