21.1 C
Baguio City
Wednesday, March 12, 2025
spot_img

Abandonadong lawn lumber, nadiskubre sa Kalinga

Nadiskubre ng mga awtoridad ang isang tambak ng red lawn-sawn lumber sa Sitio Basitao, Barangay Taggay, Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika-9 ng Marso 2025.

Batay sa ulat, agad na pinuntahan ng mga tauhan ng CENRO-Pinukpuk at Pinukpuk Municipal Police Station ang nasabing lugar pagkatapos makatanggap ng ulat mula sa isang mamamayan.

Isinagawa ng CENRO-Pinukpuk ang pag-imbentaryo sa mismong lugar at naitala ang 16 na piraso ng lumer na may kabuuang halaga na P4,900.00.

Ang matagumpay na pagkakarekober ng mga kahoy na ito ay nagpapakita ng bisa ng Barangay Information Network System (BINS) na ipinatupad sa Barangay Taggay kung saan ang sistemang ito ay nagsusulong ng pakikilahok ng komunidad sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga lokal na residente na mag-ulat ng anumang kahina-hinalang gawain o materyales na maaaring makasama sa kapaligiran.

Ang pagtutulungan ng mga miyembro ng komunidad at mga lokal na awtoridad ay naglalarawan ng kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at proaktibong pakikilahok sa pangangalaga ng mga likas na yaman ng Kalinga para sa mga susunod na henerasyon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles