18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Certificate of Compliance, iginawad sa 2 BPC Courses

Pormal na iginawad ng Commission on Higher Education Regional Office 1 (CHED RO1) sa Bayambang Polytechnic College (BPC) ang Certificate of Program Compliance (COPC) para sa dalawang kurso, ang Bachelor of Science in Agribusiness at Bachelor of Science in Entrepreneurship nito lamang Hunyo 3, 2024.

Iginawad ng CHED RO1 sa Balon Bayambang Events Center ang sertipiko sa pangunguna ni Regional Director, Dr. Christine Nabor Ferrer; Chief Education Specialist, Dr. Danilo B. Bose; Supervising Education Program Specialist, Engineer Angelica Q. Dolores; at Education Supervisor II, Dr. Ricky A. Cera.

Tinanggap ng BPC ang COPC sa pangunguna ni College President, Dr. Rafael L. Saygo; College Dean, Dr. Lita A. Saygo; College Registrar, Dr. Melchor Fernandez; College Librarian Blesilda Iglesias; Director of Student Services and Alumni Affairs Office, Dr. Ofelia Fernandez; Director of the College Center for Research and Extension Services, Dr. Leticia Ursua; Overall Program Head, Dr. Annie Manalang; Culture and Arts Coordinator, Prof. Januario Cuchapin, kasama din ang buong BPC faculty at mga estudyante ng institusyon.

Ang COPC ay isang pagkilala na ang isang degree program na ino-offer ng isang unibersidad o kolehiyo ay sumusunod sa mga patakaran, pamantayan, at alituntunin ng CHED at nakahanay sa kasalukuyang mga reporma sa edukasyon tulad ng K to 12 na kurikulum sa pangunahing edukasyon at bagong kurikulum sa pangkalahatang edukasyon.

Sa pamamagitan nito, lalong mapagtitibay ang pangako ng BPC na maghatid ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga Bayambangueño.

Source: Bayambang LGU

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles