23 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

21 Dating rebelde, nakatanggap ng mahigit Php500K na tulong

Nakatanggap ng kabuuang pinansyal na tulong na mahigit Php500,000 ang 21 benepisyaryo mula sa Apayao Rescued Agriculture Cooperatives (AFRAC) sa ginanap na seremonya ng paggawad sa Upper Atok, Flora, Apayao nito lamang kamakailan.

Batay sa ulat, ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng Php20,000 kung saan ang 50% nito ay ilalaan sa kanilang kooperatiba at ang natitirang 50% ay para sa pagpapabuti ng kanilang indibidwal na kita.

Ang tulong na ito ay ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao (PGA) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Apayao Socio-Economic Efforts Needed for Growth (ASENG) program, na naglalayong mapahusay ang kabuhayan ng mga benepisaryo.

Samantala, ang SLP ay isang programang nagpapalakas ng kakayahan ng Department of social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng access sa mga oportunidad na nagpapataas ng produktibidad ng mga kabuhayan ng mahihirap, bulnerable, at marginalized na komunidad upang mapabuti ang kanilang sosyo-ekonomikong kalagayan.

Bukod pa rito, nagbigay ang Department of Social Welfare and Development-Cordillera (DSWD-CAR) at ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng tulong pang-edukasyon para sa mga anak ng mga benepisaryo na nakatanggap ng Php6,000 bawat bata para sa mga gastusin sa paaralan tulad ng mga damit, transportasyon, at iba pang kaugnay na gastusin.

Patuloy naman ang pagsuporta ng pamahalaan ng Apayao ang reintegrasyon ng mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pang edukasyon at pang kabuhayan ng mga anak at pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles