Naisakatuparan ang layunin ng 28 na miyembro ng Capalangan Solo Parent Group SLPA na makapagbukas ng mini mart sa Barangay Capalangan, Apalit, Pampanga nito lamang Martes, ika-28 ng Mayo 2024.
Matagumpay ang pagbubukas ng nasabing Mini mart sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Venus F. Rebuldela, Regional Director ng DSWD 3, kasama si Mr Zephyrinus C. Co, SLP Pampanga Provincial Coordinator.
Ang pangkabuhayang tulong na Php420,000 halaga ng livelihood assistance mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ay ginamit ng samahan upang makapamili ng mga pangunahing produkto gaya ng bigas, pagkain, hygiene products, at iba pa.
Layunin din nito na mailapit sa mamamayan ang mga pangunahin at espensyal na produkto sa abot-kayang halaga.
Ang proyektong ito ay nagtataguyod ng pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro ng komunidad at lokal na pamahalaan, na nagdudulot ng mas matibay na samahan at pagtutulungan.
Panulat ni Lixen reyz A Saweran