Naisakatuparan ang payout activity para sa DSWD KALAHI program sa tulong ni Sen. Imee Marcos sa Pangasinan State University sa Bayambang Events Center nito lamang Sabado, Mayo 25, 2024.
Ang nasabing cash-for-work program ay siyang nagbigay kamakailan ng temporary employment sa mahigit 1,000 graduates mula sa iba’t ibang bayan, kabilang ang mga nagtapos sa PSU-Bayambang Campus.
Di man nakarating si Sen. Imee dahil sa di inaasahang pagsungit ng panahon, natuloy namang dumating ang kanyang Nutribus at sina Congresswoman Rachel Arenas, Board Member Shiela Baniqued at BM Vici Ventanilla, SINAG President Rosendo So, at PSU President, Dr. Elbert Galas, at dating PSU-Bayambang Campus Executive Director na ngayo’y PSU VP for Local and International Affairs, Dr. Ian Evangelista.
Taos pusong nagpapasalamat ang mga estudyante at benepisyaryo dahil sa oportunidad na ipinagkaloob ng gobyerno.
Source: Bayambang LGU
Panulat ni Mang Berting