Ipinamahagi ng isang lokal na magsasaka ang mahigit sa 3,000 kilo ng sariwang repolyo sa PNP Cordillera Regional Headquarters sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-23 ng Mayo 2024.
Batay sa ulat, dahil sa kasalukuyang labis na suplay ng repolyo sa merkado, napagpasyahan ng nasabing grupo na i-donate ang kanilang ani upang makinabang ang mga tauhan ng PRO Cordillera at ang komunidad lalo na ang mga nangangailangan.
Ang inisyatibang ito ay naaayon sa programang “Panag-aywan iti Kailyan” ng PRO Cordillera na naglalayong palakasin ang relasyon ng PNP at ng komunidad, suportahan ang mga lokal na magsasaka, at tiyaking makarating ang sariwang ani sa mga higit na nangangailangan.