16 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

Mai-Kamustahan sa Eskwelahan, dinaluhan ng mahigit isang libong mag-aaral

Mahigit isang libong Senior High School na mag-aaral ng Cagayan National High School ang nakilahok sa programang Mai-Kamustahan sa Eskwelahan ni City Mayor Maila Ting-Que na ginanap noong ika-21 ng Mayo 2024 sa SM City, Tuguegarao City, Cagayan.

Nagkaroon ng open forum kung saan ang mga mag-aaral ay nabigyan ng pagkakataon na ipaabot ang kanilang katanungan, suhestiyon at reklamo sa alkalde at ibang opisyal ng LGU Tuguegarao na karamihan sa katanungang kanilang iminungkahi ay tungkol sa regulasyon ng paggamit ng vape, Pre-Marital Sex at Sexually Transmitted Disease na masusing sinagot ni City Health Officer Dr. Josefina Chua.

Ang Mai-Kamustahan sa Eskwelahan ay pinangasiwaan ng Local Youth Development Office sa pamumuno ni Dominic Baggayan, Head LYDO at Atty. Renz Angelo Umambong, Chief of Staff kasama sina Retired General Edgardo Aglipay, City Legal Officer Vanessa Verbo at Tricycle Regulation Unit Head Mariano Cabugos.

Layunin ng programang ito na pakinggan ang mga mungkahi ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang kalagayan o suliranin na kinaharap sa lipunan upang ito ay mabigyan ng agarang solusyon kaakibat ang agenda ng administrasyon na “Serbisyong Nakikita, Nadarama at Maaasahan” at “Shared Responsibility.”

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles