15.5 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

Karagdagang proyektong pang-agrikultura at pangkabuhayan, hatid ng pamahalaang Lungsod ng Alaminos

Naging matagumpay ang blessing at turnover ceremony para sa Multi-Purpose Drying Pavement (MPDP) with Palay Shed and Bamboo Primary Processing Building for Bamboo Slat Production na isinagawa sa Barangay Sta. Maria, Alaminos City, Pangasinan nito lamang ika-21 ng Mayo 2024.

Ang nasabing pasilidad ay malaking tulong sa pagpapatuyo ng palay at mga high value crops ng mga magsasaka.

Magiging kaagapay din ito ng ating Hundred Islands E-kawayan Factory para sa paggawa ng mga bamboo slats na kakailanganin para sa tuloy-tuloy na produksyon ng mga e-kawayan souvenir at novelty items.

Labis naman ang pasasalamat ng mga mamamayan at magsasaka ng Sta. Maria sa pamumuno ni Punong Barangay Leonesa Mendez, sa ating Punong Lungsod sa kanyang malasakit at sa pagsasakatuparan ng panibagong proyekto na magdudulot ng kaginhawaan at dagdag na pagkakakitaan ng kanyang mga ka-barangay.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa lungsod ng Alaminos na patuloy silang maghahatid ng proyekto sa kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas umunlad pa ang pamumuhay ng mga ito sa Bagong Pilipinas.

Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan

Panulat ni Sane Mind

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles