14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Sinait Church, Ganap ng Minor Basilica

Ika-16 ng Pebrero, 2022 ay pormal nang idineklara na Minor Basilica ang Parokya ng St. Nicholas Tolentino at Santuario de Santo Cristo Milagroso sa Sinait, Ilocos Sur. Pinangunahan ni Arsobispo Charles Brown, Apostolic Nuncio ng Pilipinas ang misa para sa selebrasyon ng pormal na pagiging Minor Basilica ng nasabing Parokya. Dumalo din sa makasaysayang ganap si Cardinal Jose Advincula ng Manila, Cardinal Orlando Quevedo, Archbishop emeritus ng Cotabato, at anim pang mga Obispo.

Sa sermon ni Cardinal Jose Advincula, sinabi niya na ito ay isang handog ngunit may kaaakibat na misyon at responsibilad na dapat gampanan. Responsibilidad na dapat maibahagi sa kapwa mananampalataya at maging misyonero kahit saan man tayo.

Taong 1574 nang sinimulang itayo ng mga Misyonerong Augustinian ang Simbahan ng Sinait at ito ay natapos noong 1598. Matatagpuan sa naturang simbahan ang apat na raang taong imahe ng Nakapakong Cristo na dinarayo ng daan daang mga debosyonario mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa at maging mga dayuhan. Ang imahe ay natagpuan sa dalampasigan ng Brgy. Dadalaquiten,  pagitan ng Sinait, Ilocos Sur at Badoc, Ilocos Norte noong 1620.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles