14.3 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Akap Program ng DSWD, target matulungan ang low-income earners

Sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pamumuno ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno sa DSWD Field Office I at tanggapan ni Congressman Christopher “Toff” De Venecia, Pangasinan Fourth District Representative, napiling mga unang benepisyaryo ang higit sa 300 Job Order workers ng munisipyo para sa AKAP o “Ayuda para sa Kapos ang Kita Program” nito lamang ika-17 ng Mayo 2024.

Katuwang sa pangangasiwa ng naturang validation ang Human Resource Management Office (HRMO) at Community Affairs Office (CAO).

Layunin ng DSWD-AKAP na abutan ng tulong pinansyal ang mga indibidwal na maituturing na “near poor” at “low-income earner” na labis na apektado ng economic inflation sa bansa.

Paglilinaw ng DSWD, hindi na maaaring maging benepisyaryo ng AKAP Program ang mga tumatanggap ng regular assistance sa gobyerno gaya ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at maging ang mga social pensioner.

Isasagawa naman sa Mayo 18 ang payout ng Php3,000 financial assistance para sa mga nabanggit na benepisyaryo ng AKAP sa bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles