Nakiisa ang 31 Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang awareness lecture ng Ozamis City Police Station na ginanap sa Barangay Bagakay, Ozamis City, Misamis Occidental nitong umaga ng ika-16 ng Mayo 2024.
Itinuro ni Police Staff Sergeant Arnie C Siton, Assistant Community Affairs and Development Section, Ozamis City Police Station ang mga ordinansa upang magamit ng mga miyembro ng BPATs sa pagpapatupad ng batas sa kanilang nasasakupan.
Magiging kaagapay ng kapulisan ng Ozamis City PNP ang mga BPATs upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Ang naturang pagsasanay ay magagamit sa kanilang sinumpang tungkulin katuwang ang kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lungsod ng Ozamis.
Libreng Bigas, ipinamahagi sa mga magsasaka ng Angeles City
Muling nagbahagi ng libreng bigas ang Sektor ng Agrikultura sa pamahalaang lungsod ng Angeles para sa mga magsasaka mula sa mga Sangguniang Barangay ng Cutud, Mining, Pulungbulu, at Sapalibutad nito lamang Hwebes, ika-16 ng Mayo 2024.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City, katuwang ang Angeles City Youth Development Officer, Arnoah Mandani, sa pamamahagi ng 36 na sako ng bigas bilang tulong sa 22 lokal na magsasaka.
Patuloy ang pagsuporta ni Mayor Lazatin sa sektor ng agrikultura sa Angeles City sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay-tulong sa mga magsasaka na labis na ikinatuwa ng mga ito.
Malaking tulong ito sa mga Angeleños sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture Regional Field Office III sa ilalim ng Rice Banner Program.
Bukod pa rito, libreng binhi at pataba ang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan na maaaring makuha sa City Agriculture Office.
Layunin ng pamamahagi ng libreng bigas sa mga magsasaka na suportahan at palakasin ang kanilang kabuhayan upang mapanatili at mapaunlad ang sektor ng agrikultura ng naturang lungsod.
Panulat ni Edwin Baris