Muling sumailalim sa dalawang araw na Cash-for-Training (CFT) ang 210 partner-beneficiaries mula sa Burgos, Isabela sa ilalim ng implementasyon ng Project LAWA at BINHI nitong ika-15 ng Mayo 2024.
Ang nasabing CFT ang panghuling yugto ng programa kung saan sumailalim sa workshop ang ating mga partner-beneficiaries para talakayin ang kanilang mga plano at hakbang upang mapangalagaan at mapanatili ang nasimulang proyekto.
Layunin din ng CFT na magsagawa ng assessment sa naging implementasyon ng proyekto sa kanilang nasasakupan.
Kaugnay nito, tinalakay at nagbigay naman ng technical assistance ang DSWD Field Office 2 sa pamamagitan ng Disaster Response and Management Division (DRMD) kaugnay sa Project Assessment, Community Planning, Community Organization at Sustainability Activity para sa posibleng pagkakakitaan ng mga partner-beneficiaries.
Ang Project LAWA at BINHI ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos at DSWD Sec. Rex Gatchalian na tugunan ang nararanasang krisis sa tubig na dulot ng El Niño.
Layunin nito na gumawa ng mga pangmatagalan at epektibong solusyon, maging ang pagpapatupad ng mga hakbang na magpapabawas sa mga hamon na kinakaharap ng mga komunidad sa panahon ng matinding tagtuyot.
Source: DSWD REGION II