15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Apat na miyembro ng CTG, nabigyan ng Cash Assistance mula sa DILG

Apat na dating miyembro ng Communist Terrorist Groups ang nabigyan ng cash assistance mula sa Department of the Interior and Local Government sa Governor’s Office, Provincial Capitol, Bulanao, Tabuk City, Kalinga noong ika-13 ng Mayo 2024.

Sa isinagawang seremonya, dumalo ang mga kinatawan at miyembro ng komite ng E-CLIP kabilang ang mga kawani ng Kalinga Police Provincial Office at iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapaigting sa Executive Order 70-National Task to End Local Communist Armed Conflict.

Ang nasabing pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga nagbalik-loob ay bahagi ng E-CLIP upang matulungan ang mga dating miyembro ng teroristang grupo na magsimula ng kabuhayan nang tahimik, mapayapa at malayo sa gawaing terorismo at insurhensiya.

Dagdag pa nito, sa pamamagitan ng E-CLIP, ang mga miyembro ng mga armadong grupo na nagbabalik-loob sa pamahalaan ay binibigyan ng oportunidad upang muling makapagsimula sa kanilang mga pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo tulad ng livelihood assistance, edukasyon, at pangangalaga sa kalusugan.

Muli namang hinihikayat ng pamahalaan ang mga natitirang miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo na ibaba ang kanilang armas at sumuko sa pamahalaan, suportahan ang mga programang pangkapayapaan ng gobyerno, at mamuhay ng masaya at walang takot kapiling ang kanilang mga pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles