Boluntaryong sumuko ang isang dating miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo sa tanggapan ng RMFB 15, Tadian, Mountain Province nito lamang ika-10 ng Mayo 2024.
Kinilala ang sumuko na isang 51 taong gulang, hardinero, residente ng Ifugao at miyembro ng NPA sa Bario sa ilalim ng KLG AMPIS.
Kasabay sa kanyang pagtalikod sa teroristang grupo ay ang pagsuko rin ng kanyang mga armas na isang kalibre 38 Revolver na walang marka at serial number, dalawang piraso ng IED (Configuration to Landmine); isang (1) Blasting Cap Electric Improvised; 12 piraso ng live 5.56 mm Ball ammunition; isang (1) military ISO pack; isang (1) holster for handgun; isang (1) sling bag; tatlong (3) pouches na naglalaman ng iba’t ibang cosmetics at medical products; at sari-saring damit at personal na gamit ng mga miyembro ng CTG.
Ang nasabing pagbabalik-loob ng dating NPA sa Bario ay bunga ng pagsisikap ng mga kapulisan sa pangunguna ng mga operatiba ng Bauko MPS (Lead Unit), Tadian MPS, PIU/PDEU, PECU, PMFCs of Mt. Province PPO, Mankayan MPS Benguet PPO, Asipulo MPS, PIU/PDEU, PMFCs ng Ifugao PPO, RID PRO Cordillera, RMFB15, RIU14, RMFB1, 11SAB, PNPSAF, 54IB, 5ID PA, at NICA-CAR.
Ito ay patunay sa nagkakaisang serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mas mapayapang Bagong Pilipinas.
-Zee
SOURCE:
PROCORROCSMS#2405-101169 FOR: CPNP (ATTN: PCC) FROM: RTOC, PRO Cordillera