16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Financial Assistance, ibinahagi ng pamahalaan ng Tarlac

Matagumpay ang isinagawang pinansyal na ayuda ng pamahalaan ng Tarlac na ginanap sa City Social Welfare and Development Office, Kaisa Convention Hall, Tarlac City, nito lamang Huwebes, ika-9 ng Mayo 2024.

Ito ay pinamunuan ni Honorable Cristy Angeles, City Mayor ng Tarlac katuwang si Senator Joel Villanueva, at Senator Bato Dela Rosa, at mga miyembro ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Mayor Angeles, mapalad ang bayan ng Tarlac sapagkat nahandugan sila ng tulong galing sa mga Senators at patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.

Labis naman ang pasasalamat at tuwa ng mga benepisyaryo na nakatanggap ng tulong pinansyal galing sa pamahalaan.

Ang pagpapatupad ng mga ganitong programa ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga mamamayan tungo sa mas progresibong lipunan.

Patuloy ang pamahalaan ng Tarlac sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan upang ang lahat ay mabigyan ng pantay-pantay na karapatan, at matugunan ang kanilang pangangailangan sa lahat ng aspeto.

Source: Tarlac City Information

Panulat ni Marimar Junio

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles