14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Halos Php3M halaga ng tulong pinansiyal, ipinamahagi sa Cagayan

Umabot sa halos tatlong milyong pisong tulong pinansyal ang naibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa 1,838 na katao mula sa iba’t ibang sektor sa mga bayan ng Tuao, Piat, Rizal, at Sto. Niño nitong Mayo 8, 2024.

Pinangunahan ni Unang Ginang Atty. Mabel Villarica-Mamba ang nasabing aktibidad kasama sina Franco Mamba, Dean Binasoy, at Provincial Information Officer Rogelio Sending, Jr.

Ginanap ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa bayan ng Tuao sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Treasurer’s Office (PTO) at Provincial Office for People Empowerment (POPE).

Sa mensahe ng Unang Ginang, kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagpili ng tamang lider na namumuno sa lalawigan upang maibaba ng maayos ang karapat-dapat na tulong o ayuda sa iba’t ibang sektor lalo na ang mga nasa laylayan sa lipunan.

Ayon kay Rosario Mandac, Chief, Social Protection and Technology Division ng PSWDO, may kabuuang Php1,599,000 ang naipamahagi sa 1,599 na benepisyaryo ng 4Ps; Php522,000 sa 87 Persons with Disability (PWD); Php450,000 para sa 75 na Solo Parents mula sa bayan ng Tuao; Php66,500 sa 19 na Day Care Workers (DCW) mula sa bayan ng Piat; Php91,000 sa 26 DCW sa bayan ng Rizal; at Php112,000 sa 32 DCW sa bayan ng Sto. Niño.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ni Gobernador Manuel Mamba bilang pagbibigay halaga sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa lalawigan ng Cagayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles