Nakiisa ang mga residente ng San Ildefonso, Bulacan sa oryentasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na isinagawa sa Honorato V. Galvez Gymnasium, Poblacion, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-17 ng Abril 2024.
Ang nasabing programa ay inorganisa ng Office of the Public Employment Service Office (OPESO) sa pamamahala ni Ms. Benilda Jose, kasama ang Bulacan Technical Education Center (BTEC) sa tulong ng San Ildefonso LGU.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman at suporta sa mga benepisyaryo ng TUPAD para sa kanilang mga proyektong pangkabuhayan at oportunidad para sa mga residente ng San Ildefonso.
Ang aktibidad ay nagtulak ng mas malawakang pag-unlad at pagbabago sa pamumuhay ng mga kababayan, na sumasalamin sa layunin ng Pangulong Bongbong Marcos na pagtibayin ang ekonomiya at magbigay ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.