Nakisaya ang mga tauhan ng Munisipalidad ng Bacnotan, La Union sa taunang selebrasyon ng Binagkal Festival sa Barangay Bitalag, Bacnotan, La Union nito lamang ika-8 ng Abril 2024.
Alinsunod sa Bitalag Barangay Ordinance No. 2 Series of 2024, naitalaga ang ikawalong araw ng Abril bilang Binagkal Festival na nangangahulugan ding “Bitalag Nagkaykaysa ti Kinaurnos ken Langenlangen.” o Pagkakaisa ng mga residente ng Bitalag sa kaayusan at pakikisama”.
“Napanatili ng Bitalag ang nasimulan nila simula pa noong 2017 at ngayon ganap na siyang ordinansa, sana maipagpatuloy pa ito dahil parte rin ito ng adbokasiya natin sa cultural literacy,” ani Mayor Divine Fontanilla.
Hinimok din ng Mayora ang mga dumalong tourism coordinators mula sa ibang barangay na itatag din ang kani-kanilang pagkakakilanlan at pagpapayabong ng kani-kanilang kultura.
Samantala, patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa kultura ng bawat barangay sa Munisipyo ng Bacnotan, La Union tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: Bacnotan, La Union
Panulat ni Sane Mind