23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Pangasinan isinusulong ang corporate farming

Hinimok ni Governor Ramon Guico III nitong Biyernes, Abril 5, 2024, ang mga magsasaka na makiisa sa corporate farming program ng pamahalaang panlalawigan kasunod ng tagumpay ng pilot testing nito na nagbunga ng mas mataas na ani at pagbawas sa gastos sa pagsasaka.

Sa kanyang State of the Province Address (SOPA) para sa ika 444 founding anniversary ng lalawigan na ginanap sa Capitol building dito, binigyang diin ni Guico ang kahalagahan ng agrikultura.

Ayon kay Guico, ang tagumpay ng corporate farming pilot testing ay nagpapatunay na kapag nagkaroon ng konsolidasyon at pagkakaisa, maaaring magkaroon ng mas mababang input para sa mas mahusay na ani.

“Ang simpleng kuwento tungkol sa corporate farming ay dahil mas cost efficient ito, mas mataas ang ani kada ektarya na may mas mababang gastos sa produksyon,” aniya.

Ang dry run ng proyekto ay ginanap sa panahon ng dry cropping noong 2022-2023, na may apat na asosasyon ng kooperatiba ng magsasaka na sumasaklaw sa 66.03 ektarya.

Nagbunga ito ng reduced palay production cost per hectare ng 9.08 percent o Php6,464 para sa hybrid at 8.04 percent o Php5,091 para sa inbred palay, kumpara sa baseline data mula Php71,200 hanggang Php64,736 para sa hybrid at mula Php63,320 hanggang Php58,229 para sa inbred per hectare, dagdag pa niya.

Ayon kay Guico, para sa gastos sa produksyon ng palay kada kilo, nagkaroon ng pagbabawas ng 18.73 porsiyento para sa hybrid at 20.80 porsiyento para sa inbred palay.

“Ang pagtaas ng 10.62 porsiyento sa ani kada ektarya o karagdagang 14.40 cavans para sa hybrid mula sa average na ani kada ektarya na 6.06 metric tons o 121 cavans at 13.87 porsiyento para sa inbred o karagdagang 16.39 cavans kumpara sa average na ani na 5.09 metric tons o 102 cavans ay nakamit sa pilot,” aniya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles