Sumuko sa gobyerno ang apat na lalaki na dating mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sta. Lucia, Ilocos Sur nito lamang ika-31 ng Marso 2024.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Andrew”, “Ily”, “Amond” at “Efren” pawang mga residente ng Barangay Sapang, Sta. Lucia, Ilocos Sur, at mga dating miyembro ng CTG KLG-Sandino.
Sila ay boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company, Sta. Lucia Municipal Police Station at Tagudin Municipal Police Station at nakatanggap din ang mga ito ng cash assistance mula sa 2nd ISPMFC.
Sumailalim naman ang mga ito sa debriefing process kung saan itatalaga sila bilang miyembro ng Barangay Information Network (BIN) upang maglingkod at maging katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar.
Ang pagsuko sa gobyerno ng mga dating rebelde ay nagpapakita lamang ng magandang resulta ng pursigidong pagkumbinsi ng pamahalaan at kapulisan sa rehiyon sa mga teroristang grupo at patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya laban sa terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Source: Sta Lucia MPS / 2nd Ilocos Sur PMFC