18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Agila, Philippines First National Satellite

Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pirmahan ng kasunduan sa pagitan ng Astranis at Orbits Corp at pinangalanan ang unang Philippine Satellite na Agila, ang Pambansang Ibon ng Pilipinas.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pangulong Marcos, “Nagkasundo ang Astranis at Orbits na magtulungan upang magdala ng internet connectivity sa mga lugar sa Pilipinas na unserved at underserved. Ang pagsasama at kasunduang ito ay tutulong sa pagtugon sa agwat sa teknolohiya at pagpapalakas sa ating digital transformation sa Pilipinas. Kaya nais kong pasalamatan ang lahat ng mga katuwang na sangkot sa mga inisyatibong ito para sa kanilang dedikasyon. Inaasahan ko ang pagkakatupad ng mga plano at ang mga benepisyo na kanilang madudulot sa ating bansa.”

Ang pagpili ng pangalang Agila o ang Philippine Eagle ay may malalim na kahulugan na sumasagisag sa hindi nagbabagong pangako ng proyekto na kumonekta at magpapalakas sa bansang Pilipino sa paglawak ng access sa digital world. Ang pagsasama ng Orbits at Astranis ay para sa pagpapatakbo ng mga unang internet satellite na nakatuon sa Pilipinas. Ang mga micro geosatellites na ito ay magbibigay ng internet service na sumasaklaw sa humigit kumulang 10 milyon users at 30,000 barangays.

Inihayag ng Astranis na may bagong kapasidad para sa isa pang micro geosatellite sa pakikipagtulungan sa Orbits Corp upang lalo pang ikonekta ang Pilipinas hindi lamang sa isa kundi sa dalawang satellite. Ang satellite na ito ay magiging operational, na magpapabilis sa mga plano upang ikonekta ang milyun-milyong Pilipino sa mabilis at abot-kayang internet. Nakatuon ang Pangulo sa pagdadala ng libreng WIFI para sa lahat at katuwang ang Astranis at Orbits Corp, layunin nilang maisakatuparan ito.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles