15.2 C
Baguio City
Saturday, November 2, 2024
spot_img

Bagong Bahay, Bagong Pag-asa

Kapag nakakakita tayo ng mga babaeng pulis, ang unang naiisip natin ay pang-opisina lamang sila. Taga-gawa ng iba’t ibang papeles o tinatawag na “Clerical Job”. Ang ilan naman ay imbestigador na nag iimbestiga rin sa mga kasong may kinalaman sa kabataan at kababaihan, ang tawag dito ay Women and Children Protection Desk o WCPD.

Nitong mga nakaraang buwan, habang nagtatrabaho ang Deputy Chief of Police ng San Gabriel sa lalawigan ng Luna, La Union ay nilapitan siya ng mag-ina upang humingi ng tulong. Agad na inasikaso naman ito ni Police Captain Pang-ag at kapansin pansin ang umbok sa tiyan ng bata na itago natin sa alyas na “Nene”. Bago pa man umusad ang kaso, agad ng napansin ng mga kapulisan ang umbok sa tiyan ni “Nene”. Napag-alaman ng mga kapulisan na si “Nene” ay biktima ng rape at sa kasamaang palad, ang pang-gagahasa sakaniya ay nagbunga sa mura niyang edad na labing-anim. Ang suspek ay ang kaniyang tatay mismo na kanyang lolo rin sapagkat si “Nene” ay bunga rin ng pang-gagahasa ng kanyang lolo na kanya ring ama sa kanyang ina.

Habang inihahanda ng kapulisan ang kaso laban sa suspek, nagtungo sina Police Captain Pang-ag sa tahanan ng biktima kung saan paulit-ulit nangyare ang krimen at dito nahabag ng husto ang kalooban ni  Police Captain Pang-ag. Ang tahanan ng biktima ay gawa lamang sa tagpi-tagping yero at tela. Dahil dito, napag-desisyonan ni Police Captain Pang-ag na manguna sa pagpapatayo ng bagong bahay na magiging tahanan ng biktima.

Sa pagkakataong ito ay namili na nga ng materyales sina Police Captain Pang-ag para sa bagong bahay na tutuluyan ng biktima hanggang sa namahagi din ng mga kailangang materyales at labor ang ating mga kapatid na Muslim sa Al Hijrah Peaceful Community sa San Gabriel, La Union sapagkat sila ay naantig din sa nangyare sa biktima. Meron din isang mabuting tao na nag donate ng lupa kung saan ipapatayo ang bagong bahay ni Alyas “Nene”.

Magkatuwang ang kapulisan ng San Gabriel, Regional Service Training Unit 1, Al Hijrah Peaceful Community, at iba pang mga volunteer sa pagpapatayo ng bagong bahay na tutuluyan ni “Nene” kasama ang kaniyang ina pati na rin ng kaniyang tita na may dalawang anak. Bukod sa bagong bahay ay namahagi din ng ayuda at iba pang groceries sina Police Captain Pang-ag at iba pang volunteers na magagamit nila “Nene” sa kanilang pangangailangan sa pang araw-araw

Sa kasalukuyan, ang bahay ay inaasahang matapos itayo sa kalagitnaan ng Marso 2022.

Ang mga hakbang na ginawa ni Police Captain Pang-ag, kasama na rin ang iba pang mga kapulisan at volunteers ay tunay na nakakaantig at nakakataba ng puso. Ipinapakita lamang nito na ang ating kapulisan ay handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya para sa ikabubuti ng kanilang mga kababayan. Isa itong pruweba na ang kapulisan ay tunay na maaasahan at masasandalan natin sa mga panahon na tayo ay wala ng iba pang mapuntahan.

Panulat ni Berting

Source:

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles