Personal na dinaluhan at pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang ‘Peace Offering Ceremony’ (Panabang Si Kasayangan) sa mga dating rebelde sa Munisipyo ng Sumisip at kanyang ipinahayag at binigyang diin na ang probinsyang dating nabahiran ng karahasan at terorismo ay isa na ngayong lugar ng kapayapaan na ginawang posible dahil sa mga taong humindi sa karahasan.
Ito ay isang patunay ng kanyang mapagpasyang pamumuno upang mapagtagumpayan ang kapayapaan sa mga lugar sa buong bansa na minsan ay sinalanta ng armadong labanan.