14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Sahod ng 467 kabataan, ibinigay na ng DSWD

May kabuuang 467 benepisyaryo na nagtapos ng School Year 2021-2022 at 2022-2023 mula sa Pangasinan State University, ang nakatanggap na ng kanilang payout sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay-Cash-For-Work for State Universities and Colleges (KALAHI-CIDSS KKB-CFW for SUCs) na naganap noong Pebrero 28, 2024 sa Convention Hall of the PSU Lingayen Campus.

Ang KKB-CFW para sa SUCs ay nagbibigay ng pansamantalang pagkakakitaan sa mga nagtapos na ito na naghahanap pa ng trabaho.

Sa loob ng 90 araw, ang mga benepisyaryo na ito ay nagtatrabaho at naka-deploy sa mga national government agencies at local government units na may arawang suweldo na Php400.

Malaking tulong ito sa mga kabataan habang nag-aantay ng mas malaking opurtunidad na magsisilbing kanilang “milestone” upang makamit nila ang kanilang mga pangarap.

Tunay na ang kasalukuyang administrasyon ay nananatiling dedikado at matatag upang mas marami pa silang matulungan at mahulma bilang mga pag-asa ng bayan para sa bagong bukas at Bagong Pilipinas.

Source: DSWD Field Office 1

Panulat ni Malikhaing Tinta

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles