Matagumpay na naisagawa ang Serbisyo Caravan na hatid ng Lokal na Pamahalaan sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan nito lamang ika-1 ng Marso 2024.
Pinangunahan ni Mayor Leonardo C Pattung ang nasabing programa kasama sina Vice Mayor Rowel Gazmen, miyembro ng Sangguniang Bayan, Elvie Salvador, Municipal Social Welfare and Development Officer, Ms Olivia M Vea, Head, Office for Senior Citizens Affairs, Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection.
Itinampok sa nasabing aktibidad ang pamamahagi ng relief goods, libreng binhi at mga buto ng gulay, registration at issuance ng ID para sa mga Senior Citizen at pagsasagawa ng libreng tuli na nakapagbenepisyo sa humigit kumulang 500 na mga residente.
Kaisa ang proyektong ito sa isinusulong na proyekto ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr na Bagong Pilipinas sa Barangay na naglalayong paunlarin at palalimin ang kamalayan ng komunidad at mapagtibay ang kahalagahan ng pagtutulangan sa pamayanan.
Source: Baggao Information Office