Nakatanggap ang nasa 583 Psychiatric patients ng tulong mula sa Provincial Government ng Pampanga at Department of Social and Welfare Development sa naturang lugar nito lamang Huwebes, ika-8 ng Pebrero 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Governor Dennis G. Pineda ng Province of Pampanga kasama si Vice Governor Lilia C. Pineda katuwang si Hon. Venus F. Rebuldela, Regional Director ng Department of Social and Welfare Development ng Pampanga.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng food packs ng Assistance in Crisis Situation Program (AICS) ng DSWD, financial assistance na nagkakahalaga ng tig-Php5,000 para sa kanilang maintenance medicine, libreng medical check-up at gamot para sa mga pasyente na mula naman sa Alagang Nanay Preventive Health Care Program.
Ang paglunsad ng mga ganitong programa ng ating pamahalaan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalusugan at pagbibigay kalinga sa bawat pamilyang Pilipinong nangangailangan.