18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

30 Former Rebels nakatanggap ng Kabuhayan Project

Nakatanggap ng kabuhayan project mula sa DOLE Isabela ang mga dating lider at miyembro ng makakaliwang grupo na nagbalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng PESO-San Mariano na ginanap sa Municipal Hall ng San Mariano, Isabela nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.

Sa kabuuang Php700,000 na halaga ng nasabing proyekto ay nakatanggap ang bawat isang benepisyaryo ng kabuhayan package na nagkakahalaga ng Php23,000 – Php25,000.

Ito ay naaayon sa napili nilang negosyo na pwede nilang palaguin gaya ng mini sari-sari store, rice vending, mini vulcanizing shop, mini welding services, balot vending, barbershop, dried fish/fish vending, hollow blocks making, mini bakery at pancitan.

Ang mga former rebels ay bibigyan ng personal protective equipment at micro-insurance, mga seminar tungkol sa basic occupational safety and health at emergency first-aid, at iba’t ibang pagsasanay sa productivity at entrepreneurship upang matiyak na mapapanatili nila ang kanilang pangkabuhayan.

Sinabi ni Jefky Buahon, isang benepisyaryo, ito ang mga naging pangako ng komunistang grupo sa kanila para mahikayat na sumapi ngunit ni isa ay walang natupad. Ngayon nakikita na nila ang tunay na malasakit at walang sawang suporta mula sa pamahalaan.

Samantala, nagpapasalamat naman si Froctoso C. Agustin, DOLE Supervising Officer sa lokal na pamahalaan ng San Mariano at sa mga kasundaluhan sa mapabilis na pagproseso ng mga dokumentong kinakailangan.

Umaasa din ito na sa ganitong programa ay mas lalong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat nagbabalik-loob sa pamahalaan.

Layunin ng kabuhayan project ng DOLE na bigyan ang mga  benepisyaryo ng puhunan sa pamamagitan ng mga materyales, kagamitan, kasangkapan, at mga pasilidad.

Patuloy pa rin na hinihimok ng pamahalaan ang mga natitira pang kasapi ng makakaliwang grupo upang magbalik-loob at buksan ang puso’t isipan dahil maraming buhay ang patunay sa malasakit, pagmamahal at taos-pusong serbisyo ng gobyerno.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles