Natuklasan ng mga otoridad ang isang kampo ng Komunistang Teroristang Grupo kung saan narekober ang mga baril at bala sa Sitio Dau, Barangay Balbalan Proper, Balbalan, Kalinga nito lamang ika-5 ng Pebrero 2024.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ng Balbalan Municipal Police Station hinggil sa umanoy natuklasan ng mga tauhan ng 103rd Infantry Battalion, Philippine Army na armas at kuta ng mga rebelde.
Agad namang nakipagtulungan ang mga kapulisan katuwang ang mga operatiba ng 103rd IB PA, 5CMOBn, 53MICO, NICA CAR, at Provincial Intelligence Unit ng Kalinga PPO sa pagsasagawa ng combat strike operations sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 103rd Infantry Battalion TP “TARAKI” sa ilalim ng COPLAN “ULTIMATUM”.
Bukod pa rito ay natuklasan din ng mga otoridad ang isa pang kampo ng Communist Terrorist Group (CTG) sa kaparehong barangay na tinatayang inookupahan ng siyam na buwan.
Narekober din dito ang isang M14 Rifle na may Serial Number 880537, isang M1 Garand rifle na may Serial Number 7107, dalawang magasin ng M14 rifle, dalawang clip ng M1 Garand rifle, 20 na bala ng Cal. 7.62mm (M14 rifle) at 16 na mga bala ng Cal. 30 (Garand rifle).
Ang mga narekober na ebidensya ay nasa kustodiya na ng otoridad para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.