22.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sumailalim sa Cultural Mapping Training at Workshop

Sumailalim sa Cultural Mapping Training at Workshop para ang ilang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) na sinimulan nitong araw ng Lunes, Pebrero 5, 2024 sa Cagayan Museum and Historical Research, Tuguegarao City, Cagayan.

Ito ay pinangunahan ng Cagayan Tourism Office at Cagayan Museum and Historical Research Center na may adhikaing maturuan ang mga kalahok na kilalanin ang mga yamang kultural (tangible o intangible) sa kani-kanilang opisina.

Naging tagapagsalita at tagapagsanay sina Jenifer Junio-Baquiran, Officer-in-charge ng Cagayan Tourism Office at Kevin Baclig, Cagayan Museum Curator at Director.

Ayon kay Junio-Baquiran, inilunsad ang pagsasanay na ito sa mga empleyado ng Kapitolyo ng Cagayan upang ma-“tourisimify” ang Kapitolyo.

Aniya, sa ilalim ng tourism development program ni Governor Manuel Mamba ay isinulong ang pagbabago ng ilang mga pasilidad ng PGC hindi lamang sa regular function nito, bagkus ito ay naging tourism sites na din.

“Kabilang dito ang ating Cagayan Provincial Farm and Agri-tourism Eco-tourism Park sa Anquiray, Amulung na dating demo farm lamang, ngunit ngayon ay isa ng umuusbong na agri-tourism site. Ang breeding station natin sa Zitanga, Ballesteros ay isa na ring eco-tourism park. Ang reforestation area natin sa Nassiping, Gattaran ay magiging eco-adventure park na, ang dating provincial jail ay naging museum, at ang provincial library ay naging educ-tourism area na rin,” pahayag ni Junio-Baquiran.

Dagdag pa niya, na ang Kapitolyo ng Cagayan ang sentro ng pamamahala sa lalawigan at nararapat lamang na maibahagi natin sa mga mamamayan ang halaga nito sa kasaysayan at kultura ng mga Cagayano. Dahilan, upang mas isulong pa ang mga ganitong aktibidad upang mapangalagaan pa lalo ang yamang kultural nito, aniya.

Sa workshop, sasanayin ang mga kahalok sa pamamagitan ng lectures, research work at presentation na kilalanin ang mga bagay na karapat-dapat na i-preserve at i-promote na bahagi ng kasaysayan at kultura ng PGC.

Ang mga kahalok ay mula sa HRMO, Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC), Provincial Social Welfare and Development (PSWDO), Provincial Office for People Empowerment (POPE), Provincial Assessor’s Office, Provincial Budget Office, Provincial Health Office (PHO), Provincial Engineering Office (PEO), Governor’s Office, Internal Audit Unit, Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO), Sangguniang Panlalawigan (SP), Provincial Treasury, at Cagayan Museum.

Magsasanay ang mga kalahok hanggang bukas, Pebrero 6, 2024 kung saan sila ay magpriprisinta ng kani-kanilang output.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles