Nagbigay ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa mga senior citizens sa Barangay Pulung Cacutud, Angeles City nito lamang, Huwebes ika-1 ng Pebrero 2024.
Ito ay pinamunuan ni Honorable Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City kasama ang Office of the Senior Citizens Affairs sa pangunguna naman ni Mr. Eduardo Torres.
Ayon sa ulat ng Office for the Senior Citizens Affairs, nakatanggap ng Php3,000 financial assistance at libreng vitamin C at Anti-Flu Vaccine ang mga senior citizens sa nasabing lugar.
Nakatanggap rin sila ng libreng medical check-up at laboratory tests mula sa City Health Office at Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong pinansyal at Vitamin C na hatid ng pamahalaan ng Angeles sa kanilang dedikasyon sa pagtulong at sa abot ng kanilang makakaya para sa ikaka-ayos ng serbisyong medikal sa kanilang nasasakupan.