23.7 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Ilocos Sur Festival – Tawid ken Kultura Trade and Food Fair 2024, pormal na sinimulan

Pormal ng sinimulan ang Ilocos Sur Festival – Tawid ken Kultura Trade and Food Fair 2024 sa Govantes Dike, Quezon Avenue, Vigan City, Ilocos Sur nito lamang ika-29 ng Enero 2024.

Pinangunahan nina Senator Mark A. Villar, Ilocos Sur Governor Jeremias “Jerry” C. Singson, Vice Governor Ryan Luis V. Singson na inirepresenta ni Sangguniang Panlalawigan Member Francisco Arturo Ranchez III, at DTI – Region 1 Director Grace Falgui-Baluyan ang pagbubukas ng naturang programa.

Layunin ng programa na ipakita ang mga produktong ginawa at inaalok ng Ilocos Sur MSMEs, bumuo ng mga domestic sales at magbigay ng maraming oportunidad upang palawakin ang kanilang negosyo.

Tampok ng trade fair ang One-Town-One-Product (OTOP) ng mga lungsod at munisipalidad sa lalawigan, processed foods, mga regalo, dekorasyon, homestyles (GDH), mga muwebles, halaman, at mga prutas at pananim. Naka-exhibit din sa nasabing perya ang ilang produkto mula sa ibang probinsya.

Ang naturang fair ay tatagal hanggang ika-14 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

Source: DTI Region 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles