Sa isang makasaysayang pagtitipon noong January 29, 2024, tinanggap ng sampung farmers association ang kanilang water pump mula sa National Irrigation Authority (NIA), sa presensya nina Vice Mayor IC Sabangan at ang buong Sangguniang Bayan.
Ang mga barangay na makikinabang sa water pump project ay kinilala bilang may pangangailangan ng agarang solusyon sa problema ng irigasyon. Kasama sa mga barangay na ito ang Amancosiling Norte, Amancosiling Sur, Bical Norte, Bical Sur, Buayaen, Sancagulis, Dusoc, Tanolong, Pangdel, at Tatarac.
Ang water pump grant na nakuha ng lokal na pamahalaan ay dahil sa pagsusumikap ng administrasyong Quiambao-Sabangan 2.0 at sa tulong ni Congresswoman Rachel Arenas.
Layunin nito ang palakasin ang kakayahan ng mga lokal na magsasaka na harapin ang paparating na El NiƱo. Sa pamamagitan ng modernong makinarya, inaasahang magiging handa ang mga magsasaka na labanan ang tagtuyot at mapanatili ang produktibidad ng kanilang agrikultura.