Nakiisa ang mga Barangay Training and Employment Coordinator (BTEC) sa isinagawang Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) Payout ng Public Employment Service Office (PESO) na naghatid ng labis na tuwa at galak sa 240 na benepisyaryo ng TUPAD na ginanap sa Honorato V. Galvez Gymnasium, San Ildefonso, Bulacan nito lamang ika-30 ng Enero 2024.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa pangunguna ni Congresswoman Lorna Silverio ng San Ildefonso, Bulacan katuwang si Ma’am Benilda Jose, kawani ng PESO at mga miyembro ng BTEC.
Sa paglulunsad ng proyektong TUPAD, tumanggap ang mga benepisyaryo ng tulong pinansyal mula sa Public Employment Service Office at mga stakeholders.
Labis ang pasasalamat ng mga residente kabilang na ang pamahalaan ng San Ildefonso, Bulacan sa tulong na natanggap.
Layunin nitong palakasin ang partnership ng komunidad at LGU at patatagin ang tiwala ng komunidad tungo sa maunlad na bayan.