Pangasinan – Pinasinayaan ang 12th Balay Silangan Reformation Center sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City, Pangasinan, na may inisyal na 11 kliyente na sasailalim sa rehabilitation program nito lamang ika-26 ng Enero 2024.
Ayon kay Retchie Camacho, Director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan, na ang pagpapatayo ng center ay isang hakbang para makamit ang drug-cleared status sa nabanggit na lugar.
Dagdag ni Camacho, may 24-bed capacity ang center at may 11 pa lamang ang mga inisyal na kliyente ang nakapasa sa screening para sa unang batch.
Dagdag pa ni Camacho, mga street-level pusher lang ang i-catered sa center. Ang mga gumagamit at naka-target na nakalista ay hindi bahagi ng programa sa center.
Ayon pa kay Camacho, na ang center ay hindi pa mag-e-entertain ng mga kliyente mula sa ibang bayan o lungsod dahil gagamitin ito ng lokalidad para sa sarili nitong anti-illegal drugs campaign dahil apat lamang sa 31 barangay dito ang nakatanggap ng drug-cleared status.
Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng food packs at Php5,000 para sa bawat pamilya ng 11 kliyente bilang paunang tulong.
Hiniling ng pamunuan sa mga drug reformist na gamitin ang pagkakataong magbago at mapabuti ang kanilang buhay.