23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Unang vet mission ngayong 2024, isinagawa sa Mangaldan, Pangasinan

Dinagsa ng 136 pet owners ang isinagawang unang free veterinary medical mission sa Gueguesangen Barangay Hall noong Miyerkules, Enero 24, 2024.

Umabot sa 345 na mga alagang hayop ang naserbisyuhan ng Deworming, Anti-Rabies Vaccination, Vitamins Supplementation, Anti-Mange Treatment (Gamot sa galis), Castration for Male Dogs and Cats (Pagkakapon) at Spaying of Female Cats (Pag-alis ng Bahay-Itlog).

Nagbahagi rin ng Information Education Campaign (IEC) si Dr. Marisa de Vera, Veterinarian III mula sa Provincial Veterinary Office (PVO) ukol sa sa kahalagahan ng anti-rabies vaccine sa hayop at tamang pangangalaga sa mga ito.

Layon ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) na isulong ang responsableng pangangalaga sa mga hayop sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng veterinary services sa lalawigan.

Buo naman ang suporta ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno sa adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan. Hinihimok din ng alkalde na tangkilin ng mga Mangaldanian ang mga libreng programang handog ng pamahalaan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles