23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Kasunduan hinggil sa donasyong organic fertilizer ng BCFI, selyado na

Selyado na ang kasunduan hinggil sa donasyon ng Bounty Cares Foundation, Inc. na limampung (50) metrics tons na organic fertilizers para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan nito lamang ika-26 ng Enero 2024.

Ito ay matapos lagdaan nina Governor Ramon V. Guico III at Environment Program Officer Josefina Cruz bilang kinatawan ni BCFI Executive Director Arlene Cheng ang Memorandum of Agreement (MOA) nitong Enero 26 sa Urduja House Ceremonial Hall.

Ayon kay Dr. Rosario, layunin ng kasunduan na magbigay ng organic fertilizer at maging pagbili ng kanilang corn produce. Hindi na rin aniya mahihirapang magbenta at hindi na dadaan pa sa middleman ang kanilang inaning mais.

Ang BCFI ay isang non-stock and non-profit corporation na nagpahayag ng kanilang hangaring suportahan ang Pangasinan Corporate Farming Project.

Matatandaang inaprubahan ng provincial board ang isang resolusyon ni Sangguniang Panlalawigan Member Nicholi Jan Louie Sison noong December 4 nang nakaraang taon na nagbibigay ng pahintulot kay Gov. Guico na lumagda sa isang kasunduan sa pagitan ng BCFI.

Dahil ang pagsasaka ang pangunahing industriya sa probinsya, ang mga ganitong proyekto at programa ay lubhang mahalaga.

Sinabi ni Provincial Agriculturist Dalisay Moya na parte kasi ito sa corporate social responsibility ng BCFI.

“May product din kasi sila na organic fertilizer so nag-donate sila ng 1,000 bags para sa ating mga corn farmers na beneficiaries natin sa Pangasinan Corporate Farming Project o corn program. Part of their corporate social responsibility na tulungan ang corn farmers. So ito, tinutulungan ang mga corn farmers na nagpro-produce ng mais and at the same time, tutulungan din nila ang ating mga mga farmers na magbenta rin sa kanila,” saad niya.

Sinaksihan ang paglagda sa kasunduan nina Dr. Ebelita Rosario ang BCFI Assistant Vice President at Provincial Administrator Melicio F. Patague II.

Naroon din sina Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino, Atty. Baby Ruth F. Torre- Provincial Legal Officer, Provincial Agriculturist Dalisay Moya, at PagO Agricultural Center Chief II Alvin M. Soriano. (Marilyn Marcial, Ron Bince)

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles