Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng San Fernando City na nagdedeklara ng state of calamity upang payagan ang pamahalaang lungsod na gamitin ang kanilang quick response fund upang tulungan ang mga apektadong vendor at magtayo ng bagong gusali ng palengke.
Sinabi ng mga opisyal ng lungsod na umabot sa Php203 milyon ang pagkalugi dahil sa sunog bukod pa sa Php90 milyon ang pinsala sa imprastraktura.
Ayon kay Mayor Herminigildo Gualberto na maaaring tumagal ng anim na buwan ang muling pagtatayo ng merkado.
Ang mga covered court sa Barangay Ilocanos Sur at Norte ay ginagamit bilang pansamantalang pamilihan.
Ayon pa kay Mayor Gualberto na magbibigay din ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa 1,156 na vendor na naapektuhan ng sunog.