14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Unang gabi ng Christmas Banchetto, masagana at napuno ng saya

Makulay, masaya, at masagana ang unang gabi ng Christmas Banchetto sa “Endless Fun, Paskong Cagayan” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) dahil sa mga performance na hatid ng mga PGC talents noong Disyembre 15, 2023.

Isang pangmalakasang kantang pinamagatan na “What’s up” ng 4-non blondes ang unang kinanta na tila’y orihinal na bersyon na itinanghal sa PGC stage at sinundan pa ito ng sweet duet song na nagpakilig sa mga manonood.

Una rito ay higit na pinasalamatan ng ama ng lalawigan na si Governor Manuel Mamba ang Panginoon sa aniya’y gabay sa lahat ng mga nagaganap at nagbibigay lakas sa kanya at bumubuo ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng serbisyo sa kapwa Cagayano. Kanya ring binati ang lahat ng Cagayano ng isang maligayang pasko at manigong bagong taon.

“We want to thank all of us, especially our Creator, God, for bringing us together through hardships, success, and failures so we are here again, celebrating one year serving of our best to our people. As Mabel said, we want to share everything that we have here, giving hope inspiration, and motivation not only to every one of us here in the PGC but to the people of Cagayan,” pagpapasalamat ni Gov. Mamba.

Naging espesyal rin ang gabi dahil sa mga espesyal na bisita ni Governor Mamba na sina Consul Ren Faquiang, Consul Head of Post of the Chinese Consulate in Laoag kasama ang asawa na si Consul Ma Ning. Nakisaya at natuwa ang mga bisita sa kanilang natunghayan na pang international performance mula sa mga Cagayano.

Samantala, naging merry naman ang Christmas para sa mga small business owner dahil napuno ang Capitol grounds sa 110 stalls, lagpas sa dapat ay 40 stalls lamang. Hindi naman nila binigo ang mga Cagayano dahil sa samu’t saring putahe at palamuti na binili ng mga parokyano.

Bukod sa masayang performance at masarap na pagkain ay isa-isang kumuha ng larawan ang mga Cagayano sa mga instagrammable christmas lightings and lanterns mula sa mga gusali ng Kapitolyo.

Ang maligayang pagsisimula ng Christmas Banchetto ng Kapitolyo ay binasbasan sa unang gabi ng Misa Aguinaldo na inihatid ni Rev. Fr. Llyod De Leon ng Baggao Parish Church.

Magtatagal naman ang kasiyahan para sa Christmas Banchetto mula Disyembre 15 hanggang 21 ngayong taon.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles