15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

LGU Dupax Del Norte, nagbigay ng tulong sa 1,913 magsasaka

Namahagi ang Local Government Unit ng cash assistance sa hindi bababa sa 1,913 magsasaka sa pamamagitan ng Rice Farmers Assistance Program.

Sinabi ng rice farmer na si Norma Maranon ng Barangay Ineangan na malaking tulong ito para sa kanila ang RFAP dahil sa malaking pagkalugi na dala ng bagyong ‘Egay’ sa kanilang munisipyo.

Ayon din kay ginoong Manuel Magday, magsasaka ng palay ng parehong barangay. Malaking tulong ito para sa kanilang mga pangangailangang pinansyal para makabangon sa pananalasa ng bagyong sumira sa kanilang mga pananim.

Sa talumpati ni Mayor Timothy Joseph Cayton na ang mahigit Php2.4 milyon na halaga ng cash assistance ay para mabigyan ng tag Php1,300.00 ang bawat magsasaka ng munisipyo.

Dagdag pa dito, dahil sa pagkakaisa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Victorino Prado, naibibigay din ang kinakailangang tulong sa kanilang mga magsasaka upang masugpo ang epekto ng mga natural na kalamidad.

Aniya, ang mahigit Php2.4 milyong halaga na tulong sa kanilang mga magsasaka ay nagmula sa kanilang Municipal Disaster Risk Reduction Fund kasama ang deklarasyon ng lalawigan sa ilalim ng State of Calamity dahil sa super typhoon ‘Egay’ noong Agosto nitong taon.

Samantala, ang mga magsasaka ng gulay ay kasama din sa saklaw ng kanilang Sangguniang Bayan Ordinance na “Magsasaka Haligi ng Bayan” na naglunsad ng tuluy-tuloy na tulong para sa mga magsasaka ng palay at mais.

Tiniyak naman ni Cayton sa Dopajenos na patuloy na magbibigay ng tulong ang LGU para sa mga magsasaka.

Source: PIA Nueva Vizcaya

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles