Umaabot sa 667 na magsasaka sa Lungsod ng Tuguegarao ang tumanggap ng fertilizer discount subsidy sa ilalim ng National Rice Program sa pamamagitan ng DA-R02 noong Nobyembre 29, 2023.
Ayon kay Mayor Malia Ting Que, ang tulong ng pamahalaan ay bilang alalay upang magkaroon ng mataas na ani ang mga magsasaka ngayong pananim sa tag-araw (dry season crop) sa susunod na taong 2024.
Mahigit sa Php2 milyon ang halaga ng fertilizer discount subsidy na naipamahagi.
Inaasahang gagamitin ito sa humigit kumulang sa 500 ding ektarya ng palayan sa lungsod.
Batay sa patakaran, ang bawat magsasaka ay tumanggap ng mga voucher batay sa kanilang nakarehistrong lawak ng palayan at sakahan.
Maaaring ma-claim ang pataba sa pamamagitan ng mga akreditadong mangangalakal ng Kagawarang Pang- Agrikultura
Inaasahan na makakatulong ang naturang programa upang makabawas sa gastusin para sa pataba at mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka.
Source: Radyo Pilipinas Tuguegarao