19.4 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Mga miyembro ng Bacnotan Channel, binigyang parangal ng Bacnotan LGU

Binigyang parangal ng Munisipyo ng Bacnotan ang mga miyembro ng Bacnotan Channel na nagpamalas ng angking galing sa paggawa ng makabuluhang content para sa taong 2023 sa Bacnotan Farmers’ Agri-Tourism Center nitong ika-27 ng Nobyembre 2023.

Isang taon na ang nakalilipas ng binuo ng Munisipyo ng Bacnotan sa pangunguna ni Mayor Divine Fontanilla ang Bacnotan Channel, isang community-based online channel na naglalayong itampok ang mga kuwentong Bacnotanean.

Ito ang katuwang ng Municipal Office of Public Information (MOPI) sa paghahatid ng mga impormasyon at mga kuwentong nagbibigay inspirasyon sa mga residente ng Bacnotan.

Ibinigay ang kanilang parangal sa ikalawang araw ng TICTalks: Trends in Information and Communication Talks na dinaluhan ng mga miyembro ng Bacnotan Channel at Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Bacnotan.

Ang Tiktok Content Creator of the Year (Entertainment Category) na si Jezreel Ely ang nagsilbing panauhing dangal at tagapagsalita sa unang anibersaryo ng Bacnotan Channel.

Bukod sa paggawad ng karangalan, bumuo rin ng video output ang mga kalahok. Naging emosyonal si Mayor Divine ng mapanood ang mga ginawang output ng mga Kabataang Bacnotanean, binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagbuo ng makabuluhang content para sa plano ng kanyang administrasyon na mapalakas ang People’s Council ng Bacnotan.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa Munisipalidad ng Bacnotan na patuloy nilang kikilalanin ang mga may magagandang gawa nang sa gayon ay patuloy pa ang mga ito na magpursige at ganahan sa kanilang magagandang produkto.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles