23.7 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Mahigit 100K indibidwal benepisyaryo ng BPSF na ginanap sa Lalawigan ng Isabela

Ang dalawang araw na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ay nagbuhos ng tumataginting na Php400 milyon sa mahigit 100,000 benepisyaryo ng serbisyo ng gobyerno sa Isabela na ginanap sa City of Ilagan, Isabela nito lamang ika-25 at 26 ng Nobyembre 2023.

Nilahukan ng 36 na ahensya ang BPSF ang una sa rehiyon ng Cagayan Valley na nagbibigay ng 195 pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mahihirap na Isabeleño.

Itinampok sa caravan ang mga flagship program ng gobyerno, tulad ng Kadiwa ng Pangulo, Passport on Wheels, TUPAD, AICS, GIP, at pamamahagi ng titulo ng lupa.

Kabilang sa mga serbisyong inaalok ng DSWD ay ang province-wide payout sa lahat ng tatlong lungsod at 34 na munisipalidad na umabot sa mahigit 42,000 indibidwal na benepisyaryo na nagkakahalaga ng Php140 milyon.

Ang iba’t ibang scholarship program ng TESDA at CHED at tulong pangkabuhayan para sa iba’t ibang sektor ay ipinagkaloob din sa mga pre-identified eligible clients. Namahagi din ng libreng wheelchair ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela (PGI) sa mga senior citizen at persons with disabilities.

Kabilang sa iba pang mga kalahok na ahensya ng gobyerno ang DOH, SSS, PHILPOST, DICT, GSIS, PhilHealth, BIR, LTFRB, DOT, OCD, OWWA, NTC, DOLE, DHSUD, DMW, DTI, DENR, FDA, DOST, DepEd, DA, DAR, PCA, BFAR, PNP, at NFA, bukod sa iba pa.

Naging host ang probinsya ng Isabela sa pangunguna nina Deputy Speaker Antonio “Tonypet” T. Albano, Isabela Governor Rodolfo T. Albano Ill, at llagan City Mayor Josemarie “Jay” L. Diaz.

Ang service caravan ay naglalayong isulong ang Bagong Pilipinas campaign sa pamamagitan ng pagdadala ng mga serbisyo ng gobyerno sa publiko at pagpapalaganap ng kamalayan sa iba’t ibang programa at proyekto ng pamahalaan.

SOURCE: Isabela PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles