Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa isinagawang Tree Planting Activity sa watershed ng Barangay Sapangbato nito lamang Biyernes, ika-17 ng Nobyembre 2023.
Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office, Angeles City Tourist Auxillary, Angeles City Emergency Command Center, Information and Communication Technology Division, CSEZ Transport Cooperative, Clark Bolders Inc.
Nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy ang naturang mga grupo bilang parte ng pagsisikap ng lungsod na muling payabungin ang kapaligiran ng naturang watershed.
Sinisiguro ng pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy nilang aalagaan ang watershed upang makapagbigay ng sapat na supply ng tubig para sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.