Inanunsyo ng Provincial Veterinarian na Ligtas na sa avian influenza o bird flu ang Ilocos Norte nito lamang ika-15 ng Nobyembre 2023.
Ayon kay Loida Valenzuela, Provincial Veterinarian ng Ilocos Norte, ikinalulugod na iulat na ligtas na sa bird flu ang Ilocos Norte at suportado ng mga dokumento na walang HPAI (highly pathogenic avian influenza) na sa kanilang probinsya.
Sa partikular sa Ilocos Norte, ang mga apektadong lugar ay ang lungsod ng Laoag at ang mga bayan ng Sarrat, Bacarra at Pasuquin.
Dagdag ni Valenzuela, sa pagkakatuklas ng sakit, ang pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte, sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office, ay bumuo ng mga team para sa disease mapping at laboratory surveillance. Ipinakita nito na walong bayan sa District 1 ang naapektuhan.
Ayon pa kay Valenzuela, para mapanatili ang bird flu-free status ng lalawigan, ang mga border control measures ng lalawigan ay nakalagay upang matiyak na ang transportasyon ng mga live poultry, table egg at iba pang poultry products at by-products ay negatibo sa avian influenza.
Samantala, hinikayat ang publiko na laging sundin ang biosecurity measures, maglagay ng net enclosures para sa range chicken at agad na iulat ang anumang pagkamatay ng manok.