18.5 C
Baguio City
Thursday, November 28, 2024
spot_img

Mga Armas at pampasabog, nahukay sa San Mariano Isabela; 2 CTG Supporters, sumuko

Naging matagumpay muli ang operasyon kontra insurhensiya ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (1IPMFC) sa pangunguna ni PLtCol Ruben Martinez, Force Commander matapos mahukay ang imbakan ng mga armas pandigma at pagsuko ng dalawang CTG supporters sa magkasunod na araw sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Sumuko ang dalawang CTG Supporters noong ika-11 ng Nobyembre, na kinilalang sina alyas Noel, 48, may asawa, residente ng San Pablo, Isabela; at alyas Linda, 75, may asawa, at residente naman ng San Rafael, Roxas, Isabela.

Ang pagsuko ng nabanggit na CTG supporters ay bunga ng pinaigting na mga hakbang ng pamahalaan sa pamamagitan ng EO 70 o NTF-ELCAC.

Maliban dito, noong ika-10 ng Nobyembre ay matagumpay na nahukay ng hanay ng 1st IPMFC ang isang arms cache sa Brgy. Ueg, San Mariano, Isabela sa impormasyon na rin mula sa nauna nang sumukong miyembro ng komunistang grupo.

Kabilang sa mga armas na narekober ay: (1) pc shotgun 12 gauge; (1) pc improvised cal. 22; (3) pcs bala ng M79; (2) pcs RPG rifle grenade; (22) pcs 7.62 ammo with link; IED components at wire; (1) pack ng medical apparatus kabilang ang (Dental/Surgery Kit at mga gamot); isang long sleeve na may markang “FORTUNATO CAMUS COMMAND”; at mga subersibong dokumento.

Ayon sa hanay ng 1st IPMFC, ipinapakita lamang nito na tuluyan nang humihina ang pwersa ng makakaliwang grupo dahil sa epektibong operasyon kontra insurhensiya ng kapulisan katuwang ang kasundaluhan at iba pang ahensya para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan maging ang mga nasa malalayo at liblib na komunidad.

Samantala, katuwang sa mga tagumpay na ito ang PIU, IPPO, San Mariano MPS, CIDG ISABELA PFU,142 SAC-14SAB PNP-SAF, 201st Coy RMFB2, at RIU 2, at kasundaluhan ng 86IB at 95IB 502nd BDE.

Source: 5ID Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles