Kasalukuyang sumasailalim sa sampung araw na Water Search and Rescue (WASAR) training ang Charlie Company ng Philippine Army reservist sa bayan ng Gonzaga na pinapangunahan ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Nagsimula ang pagsasanay noong Nobyembre 03 na magtatagal hanggang sa ika-12 ng kaparehong buwan.
Sinasanay ang mga kalahok sa iba’t ibang pamamaraan ng pagresponde kabilang na ang ropemanship o rope rescue, rappelling, life saving techniques, boat handling and operation, boat maneuvering, at survival swim.
Ayon sa naturang tanggapan, layon ng aktibidad na madagdagan pa ang kaalaman ng mga reservist sa pagresponde sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Ang WASAR Training ay isang aktibidad ng PDRRMO kung saan tinutulungan ng mga kawani ng naturang tanggapan ang mga grupo o ahensya na nais magsagawa ng pagsasanay bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad.
Source: Cagayan Provincial Information Office