14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Talakayan sa Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction, isinagawa sa Dagupan City, Pangasinan

Kaisa ang Dagupan City, Pangasinan sa pangunguna ng kanilang Mayor na si Hon. Belen Fernandez sa pagpapalakas ng mga hakbang upang maresolba sa issue ng climate change.

Kaugnay nito, isinagawa sa syudad ng Dagupan ang Regional Climate Change Caravan (RCCC) kung saan nagsilbing host ang DepEd Dagupan School Division Office, partikular na sa Bonuan Buquig National High School (BBNHS) noong Lunes, Nobyembre 6, 2023.

Tampok dito ang iba’t ibang aktibidad na nakasentro sa pagbibigay solusyon, intensive public information and educational campaign sa hamon ng climate change sa bansa at maging sa buong mundo.

Sa mensahe ni Mayor Belen, sinabi nito na “Gaano man kaliit, kung tayo’y sama-sama sa solusyon, makakatulong tayo sa pagpapalakas ng ating kapasidad upang harapin ang hamon ng climate change.”

Ito ay nabigyang patunay na sa adbokasiya ng BBNHS sa protection and preservation ng natural resources sa syudad, partikular ang Mangrove Propagule Planting na bahagi ng “Ilog Ko, Aroen Ko” Adopt a River Project na umaani ng pagkilala hindi lamang sa bansa kundi maging mula sa international community bilang Top Prize Winner sa T4 World’s Best School Environmental Action.

Ibinahagi rin ng alkalde ang mga hakbang ng ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Dagupan para sa Disaster Risk Reduction tulad ng Flood Mitigation Programs katuwang ang mga ahensya tulad ng DPWH, mas pinaigting na dredging operation sa kailugan, pagbabawal sa mga oversized at illegal fish pens, waste management at iba pang makabuluhang proyekto bilang paghahanda sa kritikal na pagbabago ng panahon o climate change.

Malugod ding sinalubong ni Mayor Belen ang mga “environmental heroes” na kalahok mula sa Region 1 at ang papel ng bawat isa para mapigilan ang paglala nito.

Ang aktibidad ay bahagi ng taunang Global Warming and Climate Change Consciousness Week tuwing Nobyembre at naaayon sa United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs) Climate Action.

Source: Dagupan City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles